Vice Ganda Lilipat na? Goodbye Abs Na nga ba?


 

Nagbigay ng kanyang reaksyon si Ogie Diaz sa intrigang usap-usapan ngayon tungkol sa paglipat diumano ng network ni Vice Ganda.




Umuugong ngayon ang balitang lilisanin na diumano ni Vice Ganda ang ABS-CBN para lumipat sa Kapuso network.



 



Ito ang isa sa naging topic sa vlog ni Ogie Diaz na Showbiz Update. Kasama sina Mama Loi at Dyosa Pocko.




Ayon kay Mama Loi, may nakakita umano kay Vice na nakikipag-meeting sa dating direktor sa ABS-CBN na si Direk Edgar ‘Bobot’ Mortiz. At ngayon ay associated na sa Kapuso Network. Siya ang direktor ng sitcom ni John Lloyd Cruz na ‘Happy ToGeTher’ simula nang lumipat na ito sa GMA.






Kaya tanong umano ng mga ‘Marites’, ano raw kaya ang pinag-usapan ng dalawa? May mga kumakalat ding espekulasyong baka si Vice ang pumalit. Sa iniwang time slot ni Willie Revillame sa Kapuso Network (Wowowin).




“Ang nakarating sa akin, sabi ng isang common friend namin ni direk Bobot. Parang merong show abroad na pinag-uusapan ‘yung dalawa, ‘yun lang ‘yun” paliwanag ni Ogie ukol dito.



 



“Pero hindi ko alam bukod doon e nag-usap pa sila tungkol doon sa chismis na lilipat si Vice,” dagdag pa niya.




Isa pa sa mga nagpalakas ng tsismis ay ang hindi umano pagsipot ng komedyante sa kaarawan ni Cory Vidanes, isa sa mga big boss ng ABS-CBN.





“Hindi lang naka-attend sa birthday ni Tita Cory lilipat na agad?” tugon naman dito ng dating manager ni Vice.




Natanong din nila kung may network contract pa ba si Vice sa ABS, bagama’t araw-araw pa rin namang napapanood ang komedyante-TV host sa noontime show na ‘It’s Showtime’.



 



Gayunpaman, hintayin na lamang daw ang magiging official statement ni Vice ukol dito.

Comments

Popular posts from this blog