Isang wala nang buhay na whale ang natagpuan sa dalampasigan ng Sitio Sakalig, Brgy. Sugal, Jose Abad Santos, Davao Occidental nitong Sabado


Isang wala nang buhay na sperm whale ang natagpuan sa dalampasigan ng Sitio Sakalig, Brgy. Sugal, Jose Abad Santos, Davao Occidental nitong Sabado, May 21.
Sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Davao, aabot sa 60 feet ang haba ng sperm whale at 9 feet naman ang width. Base sa obserbasyon ng DENR-XI at iba pang otoridad, may mga sugat ang carcass ng sperm whale.
Sinasabi rin na wala na itong buhay nang mapadpad sa dalampasigan ng Sitio Sakalig.
"There is also a need to cordon the area. And the carcass should be disposed immediately because its smell can be toxic and hazardous to the community,” ani DENR-XI Regional Executive Director Bagani Fidel A. Evasco.
📷: DENR DAVAO

 

Comments

Popular posts from this blog